Search This Blog

Saturday, February 4, 2012

BARACK OBAMA (January 20,2009 -2016)

Si BARACK OBAMA ang ika apatnaput apat na presidente ng Estados Unidos..Isinilang noong Aug 04,1961sa Honolulu,Hawaii..Kaunaunahang pesidente ng Amerika na nagmula sa Hawaii at Kauna unahang Aprikano Amerikano na naging presidente ng Amerika..Anak nina Barack Obama Sr. na nagmula sa Kenya at Ann Dunham na nagmula sa Wichita Kansas.Sila ay ikinasal noong Feb .2 1961 at naghiwalay ng magpatuloy mag aral sa unibersidad ng Harvard at nagdiborsiyo noong 1964 at muling nag asawa sa kenya ,isang beses lang bumisita kay Barack noong 1971 bago namatay sa aksidente sa sasakyan noong 1982.at ang kagyang ina naman ay nakapag asawa din ng istudyante na taga jakarta Indonesia kayat ng bumalik sa Indonesia si barack ay nakapag aral din sa Jakarta nung bata pa.Si Barack ay nakapagtapos sa Unibersidad ng Colombia at Harvard law School.Nakapag asawa noong Oct.03,1992 kay Michele Robinson at nagkaroon ng 2 anak na babae si malia ann isinilang noong july 04,1998 at Natasha noong June 10,2001.At
sa ikalawang termino muling tumakbo bilang pangulo Ng Esatdos Unidos at nanalo laban kay Romney .Sa pangalawang pagkakataon siya ay maglilingkod muli bilang Presidente ng Amerika ng Apat na Taon.

GEORGE WALKER BUSH JR. (2001-2009)

Si GEORGE WALKER BUSH Jr ang ika-apatnaput tatlong presidente ng Estados Unidos..Isinilang noong July 06,1946.sa New Haven Connecticut.Anak nina George Herbert Walker Bush at Barbara Bush.Nakapagtapos siya sa Yale University 1968,sa Harvard Business school noong 1975.Naging miyembro at presidente siya ng Delta Kappa epsilon..Nakapag lingkod din siya sa Air Force mula may 1968 hanggang Nov 21,1974.Siya ay nakapag asawa noong Nov.05,1977 kay Laura Welch nagkaroon sila ng Kambal na anak na babae sina Jenna at barbara.

WILLIAM JEFFERSON CLINTON (Jan.20,1993-2001)

Si WILLIAM JEFFERSON CLINTON(WILLIAM JEFFERSON BLYTHE III) ang ika apat naput dalawang presidente ng Estados Unidos. Isinilang noong Aug 19,1946 sa Hope arkansas. Anak siya nina William jefferson Blythe Jr. at Virginia Cassidy Blythe.Ang Clinton niyang apelyido ay nanggaling sa ikalawang asawa ng kanyang ina na si Roger Clinton Sr.bilang pagrespeto dito. Nakapagtapos siya sa Unibersidad ng Georgetown at dalawang taon na nag aral sa Unibersidad ng Oxford bilang iskolar ng rhodes at nakatapos ng abogasiya sa yale noong 1973.nakapag asawa noong 1975 kay Hillary Rodham at nagkaroon ng isang anak na babae Si Chelsea isinilang noong 1980.

GEORGE HERBERT WALKER BUSH (Jan.20,1989-Jan.20,1993)

Si GEORGE HERBERT WALKER BUSH ang ika-apatnaput isang presidente ng Estados Unidos.Isinilang noong june 12,1924 sa Milton massachussets.Anak nina Prescott sheldon bush at Dorothy walker Bush.nakapagtapos sa Unibersidad ng yale,naging miyembro ng Phi beta kappa noong 1948 at nakapagtapos ng Kursong economics>Nakapag lingkod din siya bilang piloto sa nabal noong ikalawang Digmaang pandaigdig sa karagatan ng Pasipiko.nakapag aswa noong January 06,1945 Kay barbara Piece at nagkaroon sila na 5 anak ,4 na lalaki at 1 babae eto ay sina george walker,John Ellis,neil mallon, marvin pierce at dorothy walker.

RONALD WILSON REAGAN (Jan 20,1981-Jan.20,1989)

Si RONALD WILSON REAGAN ang Ika-apatnapung presidente ng Estados Unidos.isinilang noong Feb.06,1911sa Tampico,Illinois.Panganay na anak nina John at Nelle Wilson Reagan.nakapagtapos sa Kolehiyo ng Eureka noong 1932 sa Kursong economics at SociologyNaglingkod din siya sa Sandatahan noong April 1942 hanggang Dec 1945 at nagkamit ng ranggong kapitan Miyembro siya ng simbahang kristiano. Nakapag asawa noong Jan 25,1940 Kay Jane Wyman at nag diborsiyo noong 1948 nakapag asawa uli noong March 04,1952 kay Nancy davis  at nagkaroon ng 4 na anak 2 lalaki at 2 babae .Ito ay sinaMaureen isinilang noong  1941,Si michael noong 1945 ,patricia noong 1952 at Ronald noong 1958.

JAMES EARL CARTER Jr. (Jan 20,1977-Jan 20,1981)

Si JAMES EARL CARTER Jr. ang ika-tatlumput siyam na pangulo ng Estados Unidos.Isinilang noong October 01 ,1924 Anak nina james earl at Lilian Gordy Carter. Siya ay nakapagtapos sa U.S. naval Academy noong 1947 at naglingkod siya dito hanggang 1953 at nagkarango ng Lieutenant.Isa siyang baptist. nakapag asawa noong july 07,1946 Kay Rosalynn Smith at nagkaroon ng Apat na anak 3 lalaki at 1 babae ,Ito ay Si John Williams isinilang noong 1947,Si james earl III noong 1950,Si Donnel Jeffrey noong 1952 at Amy Lynn noong 1967.

GERALD RUDOLPH FORD (Aug.09,1974-Jan.20,1977)

Si GERALD RUDOLPH FORD ang ika-tatlumput walong presidente ng Estados Unidos..Isinilang noong July 14,1913 .Siya ay nakatanggap ng BA degree Sa Michigan noong 1935 at Law degree sa yale noong 1941.Siya ay nakapaglaro sa Nasyonal na Championship sa Football teams noong 1932/33.isang Episcopalian.Nakapag asawa noong October 15,1948 kay Elizabeth Bloomer at nagkaroon ng 4 na anak 3 lalaki sina Michael isinilang noong march 15,1950 si John isinilang noong March 16,1952 ,Si Steven isinilang noong may 19,1956 at Susan isinilang noong July 06,1957.

JOHN F.KENNEDY (Jan .20,1961-Nov.22,1963)

Si  JOHN KENNEDY ang ika-tatlumput limang presidente ng Amerika..Isinilang noong May 29,1917 pangalawang anak na lalaki nina Joseph and Rose.Ang kanyang ama ay isang pulitiko naging US Ambassador sa Great Britain noong 1937-1941at ang lolo nia sa ina nasi John Fitzgerald ay nanging mababatas sa Amerika at naging mayor sa Boston.Isa siyang katoliko.Nakapag asawa siya noong Sept 12,1953 kay Jacqueline Lee Bouvier nagkaroon ng 2 anak siCaroline isinilang noong Nov 27,1957 at si John Fitzgerald Jr. noong nov 25,1960.Namatay siya noong Nov 22,1963 sa edad na 46 habang nasa motorcade sa Dallas,Texas.sa tama ng bala.Unang katolikong pangulo ng Amerika at naglagda sa internasyonal na pagbabawal ang pagsubok sa mga Nukleyar at nagpatupad at naglagda sa pagsulong ng pagtaas ng kita ng mga manggagawa

LYNDON BAINES JOHNSON (Nov.22,1963-Jan 20,1969)

Si LYNDON BAINES JOHNSON  ang Ikatatlumput anim na presidente ng Estados Unidos.Isinilang noong Aug 27,1908 sa Texas Panganay na Anank nina Samuel Ealy at rebekah baines Johnson Ang kangyang ama ay isang magsasaka at mambabatas sa Texas at ang kanyang lolo sa ina ay si George Washington Baines Sr.Siya ay nakapagtapos sa Kolehiyo ng Southwest Texas States Teachers noong 1930.Nakapag asawa noong  Nov 17,1934 lay Claudia Alta taylor nagkaroon ng 2 anak na babae Si Lynda Bird isinilang noong March 19,1944 at si Lucy Baines isinilang noong July 02,1947.Namatay noong Jan 22,1973 sa atake sa puso sa edad na 64.
Nagsimula na gumawa ng hakbang para mawakasan ang giyera sa Vietnam.

RICHARD MILHOUS NIXON (Jan.20,1969-Aug.09,1974)

Si RICHARD MILHOUS NIXON ang ika-tatlumput pitong presidente ng Estados Unidos.Isinilang noong January 09,1913 sa Yorba Linda California pangalawa sa 5 anak na lalaki nina francis Anthony at hanna h milhous Nixon.nakapagtapos siya sa Kolehiyo ng Whittier noong 1934 at sa Unibersidad ng duke Law School noong 1937.Nakapag asawa noong June 21,1940 kay Thelma Catherine Patricia Ryan nagkaroon ng 2 anak na babae  Si Patricia isinilang noong feb 21 1946 at Julie isinilang noong July 05,1948.Namatay noong April 22,1994 sa edad na 81 at nakasama niya sa libingan ang kanyang asawa at anak nasi pat sa silid aklatan niya sa Yorba Linda ,California.Nagbukas ng relasyon sa Tsina ,Nagsulong ng magandang relasyon sa Soviet Union at Winakasan ang pakikisalamuha sa Gulo sa Vietnam. 

HERBERT CLARK HOOVER (March 04,1929-March 03,1933)

Si HERBERT CLARK HOOVER ang ika tatlumput isa na presidente ng Estados Unidos.Isinilang noong Aug 10,1874 sa West Branch,Iowa.Anak nina Jesse Clark Hoover at Hulda Randall Minthorn.Nakapag aral sa Unibersidad ng Stanford.Isa siyang inhinyero sa Minahan.Nakapag aswa noong 1889 kay Lou Henry ng California Nagka anak ng 2 lalaki .Si Herbert at Allan..Namatay noong Oct.20,1964.Matagal na naratay sa sakit at namatay sa edad na 90.

DWIGHT D. EISENHOVER (Jan.20,1953-Jan 20,1961)

Si DWIGHT EISENHOWER ang ika tatlumput apat na presidente ng Estados Unidos. Isinilang sa Dennison,Texas noong Oct 14,1890 siya ang Pangatlon anak na lalaki nina David jacob at Ida Elizabeth Stover Eisenhower.Ang Kanilang lahi at nagmula sa german Mennonites na naglipat sa Switzerland at nakarating sa Amerika at nanirahan sa Pennsylvania .napadpad sila dito sa pagiwas sa parusang labag sa kanilang relihiyon noong 1732 at nakapagtapos siya sa Pagaaral sa Amerika  sa Akademya ng Militar noong 1915,Isa siyang Presbyterian.Nakapag asawa siya noong July 01,1916 kay Mamie Doud sa denver,Colorado Nagkaroon sila ng 2 anak na lalki si Dwight Doud na namatay habang bata pa at si John Sheldon Doud Eisenhower.Namatay noong March 28,1969 sa Washington DC sa sakit sa Puso sa edad na 78.Panahon ng Panunungkulan niya ng ang Amerika ay ay namuno sa pakikilahok sa Pandaigdigan na gawain at Nagpahinto ng kaguluhan o giyera sa Korea.Bumuo ng mga Departamento sa kalusugan,Edukasyon Pangmakataong pagtrato.Panahon niya ang tagumpay na subok sa Bombang hydogen at pag diskubre sa Kalawakan na nag simula Noong Oct.4,1957.

HARRY S.TRUMAN (April 12,1945-Jan 20,1953)

Si HARRY TRUMAN Ang ika-tatlumput tatlong presidente ng Estados Unidos.Isinilang noong May 08,1884 sa Lamar,Missouri.Anak nina John Anderson at Martha Ellen truman at nakapag aral sa mga pampublikong paaralan tulad ng eskwelahan ng Field Artillery ,Fort Sill,Oaklahoma at eskwelahan sa Batas sa siudad ng Kansas.siya ay Magsasaka din at Baptist.Nakapag asawa noong June 28,1919 kay Bess wallace at nagkaroon ng isang anak na babae.Naging Pangulo siya paghalili pagkatapos Mamatay si Presidente Roosevelt noong April 12,1945.namatay siya noong Dec 26,1972 sa edad na 88.Siya ang Nagdeklara ng Giyera laban sa Hapon na nagbigay ng kasunduan na walang Kondisyon upang sumuko ang bansang hapon sa Amerika .Panahon ng panunungkulan niya ng ibinagsak ang Atomik na Bomba sa Hiroshima noong Aug.6,1945 at Aug .9 naman sa Nagasaki.

FRANKLIN DELANO ROOSEVELT (March 04,1933-April 12,1945)

Si FRANKLIN DELANO ROOSEVELT ang ika tatlumput dalawang presidente ng Estados Unidos.Isinilang noong Enero 30,1882 sa Heyde Park New York.Anak nina James Roosevelt at Sara Delano.nag aral sa Unibersidad ng Harvard at Colombia ng Abogasiya at isa syang episcopalian.Nakapagasawa noong 1905 kay Anna Leonor Roosevelt malyong pinsan nia at nagkaroon sila ng anim na anak.Namatay noong April 12,1945 sa kalagayan na pagdurugo ng cerebral ,parte ng utak ng tao.Sa ikatlong termino niya bilang pangulo ng estados Unidos si franklin ay nagtalumpati sa Kongreso noong Enero,1941 patungkol sa apat na mukha ng kalayaan na dapat magkaroon ang sinuman.Una .ang Kalayaan sa pagsasalita atang pagsabi ng nasa saloob ng bawat isa.Ikalawa. Kalayaan sa pagsamba sa Diyos sa paraan na naaayon sa kagustuhan ng bawat indibiduwal.ikatlo kalayaan sa Kagustuhan ng bawat ninuman na naayon sa paraan gusto at kanilang nalalaman upang makapagbigay ng maayos at payapang pamumuhay ninuman. at ang ika apat ay Kalayaan na walang kinatatakutan ang bawat isa o bansa man na may gagawa ng pananakop ng kalapit na bansa.

CALVIN COOLIDGE (Aug.03,1923-March 03,1929)

Si CALVIN COOLIDGE ang ika tatlongpu na presidente ng Estados unidos.Isinilang noong July 04,1872 sa Plymouth,Vermont .Anak nina Kolonel John Coolidge at Victoria Moor.Nagaral sa Kolehiyo ng AmHerst,isang Abogado at Congregationalist.Nakapag asawa noong 1905 kay Grace A.Goodhue at nagkaanak sila ng dalawang lalaki isa dun ay si Calvin na namatay sa edad na 16 noong July 07,1924.Namatay siya noong Jan.05,1933 sa bahay sa Northampton Massachusets sa atake sa puso.

WARREN G.HARDING (March 04,1921-Aug.02,1923)

Si WARREN G.HARDING ang ika dalawangput siyam na presidente ng Estados Unidos..Isinilang Noong Nov.02,1865.Anak nina George T.Harding at Phoebe Elizabeth Dickerson.Isa siyang Newspaper Publisher at Baptist.Namatay noong Aug.02,1923 sa San francisco California sa sakit na pneumonia at sakit sa Puso sa edad na 57.Inilibing sa Marion ,Ohio.at nakapag asawa noong 1891 kay Florence Kling at wala silang anak.

WOODROW WILSON (March 04,1913-March 03,1921)

Si WOODROW WILSON ang ika dalawangput walong presidente ng Estados Unidos.Isinilang noong Dec.28,1856 sa Staunton,Virginia.Anak nina Joseph R.Wilson and Janet (jessie)Woodrow.Nag aral sa Princeton,naging Abogado at guro at isang Presbyterian.Nakapag asawa noong 1885 kay Ellen Louise Axson nagkaroon ng 3 anak na babae at namatay noong 1914 at nakapag asawa uli Kay Edith (Bolling) Galt noong 1915.Namatay siya noong Feb.03,1924 sa sakit sa puso sa Washington D.C. sa edad na 67.Inilibing sa  National Cathedral,Washington.

WILLIAM H.TAFT (March 04,1909-March 03,1913)

Si WILLIAM TAFT ang ika dalawangput pitong presidente ng Estados Unidos.Isinilang noong Sept 15,1857 sa Cincinnatti,Ohio. Anak nina Alphonso Taft atLouisa M.Torrey.Nag aral sa Unibersidad ng Yale,Isang Abogado at Unitarian.nag asawa noong 1886 kay Helen Herron at biniyayaan ng 3 anak,2 lalaki at isang babae.Namatay noong March 08,1930 sa sakit na arteriosclerosis sa Washington DC sa edad na 72 inilibing sa Arlington,National Cemetery Virginia.

THEODORE ROOSEVELT (Sept.14,1901-March 03,1909)

Si THEODORE ROOSEVELT ang ika dalawangput anim na presidente ng Estados Unidos.Isinilang noong Oct.27,1858 sa New York City Anak nina Theodore rossevelt at Martha Bulloch.nag aral sa harvard,Isang Abogado at miyembro ng Repormadong simbahan ng Dutch.Nakapag asawa noong 1880 kay Alice Hathaway Lee biniyayaan ng 1 anak na babae at namatay noong 1884 kayat muling nag asawa  noong 1886 kayEdith Kermit Carow nagkaroon ng 5 anak,4 na lalaki at 1 babae.namatay siya noong jan 06,1919 sa dahilang matinding pamamaga ng rayuma sa Oyster bay,new York sa edad na 60.

WILLIAM MCKINLEY (March 04,1897-Sept.14,1901)

Si WILLIAM MCKINLEY ang ika dalawangput limang presidente ng Amerika.Isinilang noong january 29,1843 sa Niles ,Ohio.Anak nina William Mckinley at Nancy Allison.,Isang abogado at Methodist.Nakapag asawa noong 1871 kay Ida Saxton nagkaroon ng 2 anak na babae.Namatay noong Sept 14,1901 sa buffalo dahil sa Sugat na natamo niya sa nagtangka sa kanyang Buhay sa edad na 58 .Inilibing siya sa Canton,Ohio.Sa Panahon niya ang pagtulong niya na mapalaya ang Maynila o Pilipinas sa pagkakasakop ng Espanya.At isa siya sa pangulo ng Amerika na napatay  ng isang Anarkiya na nagngangalang Czolgosz.

BENJAMIN HARRISON (March 04,1889-March 03,1893)

Si BENJAMIN HARRISON ang ika-dalwangput tatlong presidente ng Amerika.Isinilang noong Aug.20,1833 sa North Bend ,Ohio.Anak nina JohnScott Harrison na isang magsasaka at mababatas sa Kongreso at Elizabeth Irwin Apo siya ni presidente William Henry harrison .Nagaral sa Unibersidad ng Miami,Isang Abogado at Presbyterian.Nakapagasawa siya noong 1853 kay Caroline Lavinia Scott.Nagkaroon ng 2 anak ,isang babae at isang lalaki. at namatay sa White House noong 1892 at nakapag asawa uli noong 1896 sa kanyang pamangkin na si Mary Scott Dimmick at nagkaroon ng isang anak na babae.

GROVER CLEVELAND (March 04,1885-March 03,1889)(March 04,1893-March 03,1897)

Si GROVER CLEVELAND ay naging pangulo ng Amerika ng 2 beses ika dalawangput dalawa at dalawangput apat na pangulo ng Amerika.Isinilang noong march 18,1837 sa Caldwell,new Jersy Anak nina Rev. Richard F. Cleveland at Anne Neal. Naging Guro at isang abogado,isang Presbyterian.Nakapag asawa noong 1886 sa White House kay Frances Folsom .Nagkaroon ng 5 Anak,2 lalaki at 3 babae.Namatay noong June 24,1908 sa edad na 71 sa Princeton,New Jersy.Kaisa isang pangulo ng Amerika na naihalal o nailuklok muli sa ikalawang Pagkakataon bilang Pangulo pagkatapos matalo sa muling pagtakbo sa pagkapangulo at sa ikatlong paglaban ay naihalal o nakabalik uli sa puwesto.

CHESTER A. ARTHUR ( Sept.20,1881-March 03,1885)

Si CHESTER A.ARTHUR siya ang ika -dalawangput isang presidente ng Estados Unidos Isinilang noong october 05,1830 sa Fairfield,Vermont anak nina Rev.William Arthur at Malvina Stone Nag aral sa Kolehiyo ng Union Isang Guro at abogado miyembro ng episcopalian.Nakapag asawa  noong 1859 kay ellen Lewis herndon ng Virginia nagkaroon sila ng3 anak,2 lalaki at 1 babae.namatay noong Nov.18,1886 sa sakit na( Brights disease) sa New york sa edad na 56 inilibing sa  Rural cemetery ,Albany new York.Sa Termino niya naipas ang batas sa Amerika na Chinese exclusion Act at Anti Polygamy Bill.

JAMES A.GARFIELD (March 04,1881-Sept 19,1881)

Si JAMES GARFIELD  ang ika dalawangpo na presidente ng Amerika.Isinilang noong Nov.19,1831 sa Orange ,Ohio Anak nina Abraham Garfield at Eliza Ballou Nag aral sa Kolehiyo ng William Isang Guro at Abogado .Miyembro ng disipulo ng Simbahan ni Kristo. nakapag asawa noong 1858 kay Lecretia Rudolph ng Ohio Nagkaroon ng 7 anak, 5 lalaki at 2 babae.Namatay noong Sepyember 19,1881 sa Elberon,New jersy. Kung saan duon sya dinala sa para magpagaling sa tama ng baril na ibig pumatay sa kanya sa may istasyon ng riles sa Washington noong July 2 sa edad na 49 .Inilibing siya sa sementeryo ng lakeview sa Cleveland,Ohio.

RUTHERFORD B.HAYES (March 04,1877-March 03,1881)

Si RUTHERFORD HAYES ang ika-labingsiyam na presidente ng Amerika.Isinilang noong October 04,1822 sa Delaware,Ohio Anak nina Rutherford Hayes at Sophia Birchard nag aral sa Kolehiyo ng Kenyon.Isang Abogado Ikinasal noong 1852 kay Lucy Ware Webb.nagjaroon sila ng 8 anak,7 babae at 1 lalaki.Namatay noong Jan.17,1893 sa sakit sa puso sa Fremont Ohio sa edad na 70 at duon narin inilibing.

Wednesday, February 1, 2012

ULYSSES SIMPSON GRANT (March 04,1869-March 03,1877)

Si ULYSSES SIMPSON GRANT  ang ika-labingwalong presidente ng Amerika.Isinilang noong April 27,1822 sa Ohio .Anak nina Jesse R.Grant at Hannah Simpson nag aral sa West point at isang Methodist.Nakapag asawa noong 1848 kay Julia Dent na taga Missouri at biniyayaan ng 4 na anak,3 lalaki at 1 babae. namatay sa sakit na kanser sa edad na 63 sa Mc Gregor New York noong July 23,1885 at nailibing  sa Riverside Drive, New York.

ANDREW JOHNSON (April 15,1865-March 03,1869)

Si ANDREW JOHNSON ang ika-labingpito na presidente ng Estados Unidos.Isinilang noong Disyembre 29,1808 sa Raleigh,North Carolina.Nagmula sa angkan ng mahirap siya ay nag aral ng pananahi ng ang kanyang ama ay namatay sa pagsaklolo sa isang nalulunod.Sa kanyang sariling pagsisikap ay nag aral syang bumasa.Anak siya nina Jacob Johnson at Mary McDonough.Nakapag asawa noong 1827 kay Eliza Mccardle at biniyayaan sila ng 5 anak ,3 lalaki at 2 babae.Sa edad na 66 syay naging paralitiko at namatay noong July 31,1875 sa Istayon ng Carters ,Tennessee.Ang Pangulong natanggal sa Pagka Pangulo (Na Impeach sa boto ng Senado hindi Pabor sa Kanya 35-19) sa kadahilanang pagtanggal niya sa isang Gabinete na hindi pinapayagan ng kanilang Konstitusyon.

ABRAHAM LINCOLN (March 04,1861-April 15,1861)

Si ABRAHAM LINCOLN ang ika labing anim na presidente ng Estados Unidos.kilala at popular na presidente.Siya ay Isinilang noong Feb .12,1809 sa Larue dating hardin county,Kentucky.Anak nina Thomas Lincoln at Nancy Hanks.Nakapagasawa noong 1842 kay Mary Todd at nagkaroon sila ng Apat na anak na lalaki.Siya ay namatay sa tama ng bala.Pinapatay siya ng panahong yun.noong April 15,1865 at nailibing sa Oak Ridge Cemetery Springield, Illinois.Sa Panahon niya Naiproklama niya ang Emansipasyon 1863 na pag aalis sa Estado ang Gawaing Pang aalipin upang maging malaya ang sinoman.

JAMES BUCHANAN (March 04,1857-March 03,1861)

Si JAMES BUCHANAN ang ika labing limang presidente ng Estados Unidos.Siya ay isinilang noong April 23,1791 malapit sa Mercersburg Pennsylvania.Anak nina James Buchanan at Elizabeth Speer.Nakapag aral sa kolehiyo ng Dickinson .naging isang Abogado at miyembro ng Presbyterian.namatay sa edad na 77 noong July 01,1868 sa sakit na rheumatic gout at naililibing sa lancaster,Pennsylvania.Panahon ng Panunungkulan niya bilang Pangulo na kung saan ang Pilak at Petrolyum sa Amerika ay nadiskubre.

FRANKLIN PIERCE (March 04,1853-March 03,1857)

Si FRANKLIN PIERCE ang ika-labing apat na presidente ng Estados Unidos .Isinilang noong Nov.23,1804 sa Hillsborough,New Hampshire.Anak ng heneral na si Benjamin Pierce at Ana Kendrick.Nag aral siya sa kolehiyo ng Bowdoin .Isa siyang Abogado at miyembro din ng Episcopalian.nakapag asawa ng taong 1834 kay jane means Appleton ng New Hampshire nagkaroon sila ng tatlong anak na lalaki. Namatay siya sa edad na 64 dahil sa sakit sa sikmura at nailibing sa North cemetery,Concord.

MILLARD FILLMORE (July 10,1850-March 03,1853)

MILLARD FILLMORE ang ika labingtatlong presidente ng Estados Unidos..isinilang noong ika 7 ng Enero,1800 sa Cayuga County,New York.Anak nina nathaniel Fillmore at Phoebe millard na isang guro.Siya ay isa ring mananahi at nag aral din ng abogasiya Nakapag asawa noong 1826 kay Abigail Powers.  nagkaroong sila ng 2 anak isang babae at isang lalaki ngunit namatay ito ng taong 1853 at muli syang nakapagasawa kay Caroline Mcintosh taong 1858.Si millard ay namatay noong march 08,1874 sa edad na 74 sa new york.